Barangay Ginebra San Miguel, pipilitin makabawi kontra TNT katropa sa game-2 ng kanilang semifinals series sa PBA Commissioners Cup

Manila, Philippines – Pipilitin ngayon ng barangay Ginebra San Miguel na manalo sa game-2 kontra tnt katropa sa kanilang semi-finals series sa PBA Commissioners Cup.

Maghaharap ang dalawang koponan mamayang alas-7:00 ng gabi sa MOA Arena kung saan abante sa serye ang tnt sa 1-0.

Ayon kay Coach Tim Cone, gagawa sila ng paraan para mapigilan ang malaking import ng TNT na si Joshua Smith na nakakuha ng 35-points at 13-rebounds sa game 1.


Nabatid pa na nire-review ni Cone ang video ng unang laban para mausuing pag-aralan kung saan sila makakapuntos at hindi din nila hahayaan na makakuha ng momentum ang mga local players.
DZXL558

Facebook Comments