Barangay Ginebra, target ang ika-apat na sunod na panalo sa magiging laban kontra Phoenix Fuel Masters sa PBA Philippine Cup

111

Target ngayon ng Barangay Ginebra na makuha ang ika-apat na sunod na panalo sa magiging laban nila mamaya kontra Phoenix Super LPG Fuel Masters sa nagpapatuloy na 2020 PBA Philippine Cup Clark bubble.

Ayon kay Ginebra head coach Tim Cone, nais nilang makapantay ang TNT Tropang Giga na nangunguna ngayon sa team standings kung saan muli siyang umaasa na nasa kondisyon na ang lahat ng kaniyang players partikular sina LA Tenorio at Japeth Aguilar na huli nilang nakasama sa pagpasok sa Clark bubble.


Pero aminado si Cone na hindi madaling makuha ang panalo lalo na’t hangad ng Phoenix Super LPG na umahon sa pagkatalo nila noong lunes sa score na 110-91.

Magkaganoon pa man, walang plano ang veteran coach ng Ginebra na magpatalo dahil alam niya na importante ang kada panalo sa Philippine Cup lalo na’t ang top 8 team lamang ang maaaring umusad sa quarterfinals.

Facebook Comments