Cauayan City – Opisyal ng pinasinayaan ang bagong Barangay Hall sa Barangay District IV, Tumauini, Isabela.
Ang makasaysayang kaganapan ay naging simbolo ng patuloy na pagsisikap para sa kaunlaran ng bawat barangay sa bayan ng Tumauini.
Ang pagtatayo ng bagong Barangay Hall ay isang mahalagang proyekto na bunga ng dedikasyon at pagmamahal ng butihing ina ng Tumauini, si Mayor Venus T. Bautista, at ng kanyang asawa, ang dating Mayor Arnold S. Bautista.
Sa kasalukuyan, si dating Mayor Arnold S. Bautista ay nagsisilbing Consultant on Infrastructure and other Development Programs ng Local Government Unit (LGU) ng Tumauini, at patuloy na nagbibigay ng mahalagang kontribusyon para sa mga proyekto ng bayan.
Ayon sa mga opisyal, ang bagong Barangay Hall ay isang malaking hakbang tungo sa mas pinahusay na serbisyong pampubliko at mas maginhawang pakikisalamuha ng mga mamamayan sa lokal na pamahalaan.
Ipinakita ng mga opisyal ang kanilang pagnanais na maghatid ng makabagong pasilidad at programa para sa kapakanan ng mga residente ng Barangay District IV at ng buong Tumauini.