Barangay Health Center, nakahanda na sa mga residenteng mayroong mga karamdaman dulot ng Bagyong Ulysses

Hinikayat ng pamunuan ng Marikina City Government ang mga residente na may pangamba sa kanilang kalusugan dahil sa mga sakit na posibleng makuha sa dumi at masangsang na amoy ng mga basura na makipag-ugnayan ang mga ito sa Barangay Health Centers para mabigyan ng atensyong medikal.

Ayon kay Marikina City Mayor Marcy Teodoro, handang-handa na ang mga Barangay Health Centers sa lungsod upang tugunan ang mga residenteng may mga karamdaman.

Paliwanag ng alkalde, kumpleto sa mga gamot ang mga Barangay Health Centers lalo na sa mga mayroong leptospirosis dulot ng mga ihi ng daga.


Giit ni Mayor Teodoro, walang dapat ipangamba ang mga residente dahil may sapat na suplay ng gamot ang lungsod.

Facebook Comments