Patuloy ang pagbibigay ng regular immunization sa Health Station ng Brgy. Poblacion sa Alaminos City bilang bahagi ng mas pinaigting na programa para mapanatiling ligtas at malusog ang mga sanggol at mga nanay sa lugar.
Sa pamamagitan ng tuloy-tuloy na pagbabakuna, mas napapalakas ang resistensya ng mga bata laban sa iba’t ibang karamdaman at mas naitataguyod ang isang mas malusog at mas maayos na kinabukasan para sa bawat pamilya sa barangay.
Ngayong Pebrero, nakatakdang isagawa ang higit isang linggong pagbabakuna ng Tetanus Diphtheria para sa mga buntis at DMPA para sa mga kababaihang nagnanais mag-family planning.
Inaanyayahan ang lahat ng magulang na dalhin sa health centers ang mga sanggol at bata mula Pebrero 11 hanggang Pebrero 19 upang makasabay sa regular na immunization program. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









