Barangay Health Workers, makikinabang din sa COVID-19 Benefits and Allowances Bill

Tiniyak ni Finance Committee Chairman Senator Sonny Angara na kasama ang mga Barangay Health Workers (BHW) sa mabibigyan ng benepisyo habang nasa public health emergency ang bansa tulad ngayong may COVID-19 pandemic.

Ayon kay Angara, ang mga Barangay Health Workers ay kasama sa sasaklawin ng COVID-19 Benefits and Allowances Bill na pasado na sa ikatlo at huling pagbasa ng Senado.

Partikular na tinukoy ni Angara ang mga Barangay Health Workers, na nakalista sa registry system ng Department of Health (DOH) at nakatalaga sa swabbing at vaccination sites gayundin ang nagbibigay ng medical assistance tulad ng nakatalaga sa COVID 19 health emergency teams.


Itinatakda ng panukala ang pagkakaloob ng buwanang COVID-19 Special Risk Allowance (SRA) sa mga healthcare workers sa pampublikong at pribadong health institutions batay sa antas ng panganib ng COVID-19 sa lugar kung saan sila nagtatrabaho.

Bukod sa monetary benefit, ay regular at libre rin ang kanilang COVID-19 test at sagot ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang pagpapa ospital kapag nahawa sila ng virus habang nasa trabaho.

Binanggit ni Angara na ngayong taon ay 51 bilyong piso ang nakalaan para sa nabanggit na panukala sa oras na ito ay maibatas.

Facebook Comments