Mga batang anak ng mga Pinoy sa Qatar, sinimulan na ring bakunahan kontra COVID-19

Sinimulan na ring bakunahan kontra COVID-19 ang anak ng mga Pilipino sa Qatar na may edad 5 hanggang 11.

1/3 ng dose na binibigay sa mas nakatatanda ang binibigay sa pediatric population sa Qatar.

Pfizer din ang inaprubahang COVID-19 vaccine ng Ministry of Public Health ng Qatar para sa mga batang 5 hanggang 11 taong gulang.


Patuloy naman na hinihikayat ng Philippine Embassy ang magulang ng mga batang Pilipino sa Qatar na pabakunahan na rin ang kanilang mga anak.

Sa harap ito ng naitatala pa ring mataas na kaso ng infection sa maraming mga bansa dahil sa Omicron variant.

Facebook Comments