Arestado ang isang Barangay Kagawad ng Poblacion Ampatuan Maguindanao matapos makumpiskahan ng baril na walang kaukulang dokumento.
Kinilala ang naaresto na si Mohamad Usman na nakumpiskahan ng isang unit ng Cal.9mm Taurus Pistol with SN-TPA 81881 (Tampered), isang Cal. 9mm Magazine at 12 rounds ng 9mm live Ammunitions.
Ang operasyon kontra sa kagawad ay pinangunahan ni CIDG ARMM kasabay ng kanilang Oplan Paglalansag Omega katuwang ang Ampatuan MPS, 2nd Manuever Platoon, 3rd Maneuver Platoon, Technical Support Platoon PMFC, at PIB ng Maguindanao Provincial Police Office.
Ang inilunsad na operasyon ay bunsod na rin sa Search Warrant numbered 2018-022 at 2018-021 para sa Violation of RA 10591 o mas kilala bilang (Comprehensive Law on Firearms and Ammunition) at RA 9516 (Illegal Possession of Explosive) na inisyu ni Hon Judge Bansawan Z Ibrahim, Branch 13, RTC 12th Judicial Region, Cotabato City.
CIDG ARMM pic