BUMABA | Bentahan ng mga matatamis na inumin, bumaba nitong Pebrero ayon sa Nielsen survey

Manila, Philippines – Patuloy na bumababa ang bentahan ng mga sugar-sweetened beverages kasunod ng pagpapataw ng excise tax sa ilalim ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law.

Batay sa bagong Nielsen survey, nitong February 2018 ay bumulusok ng 8.7% ang sales ng limang sugar-taxed beverage categories sa mga sari-sari store.

Malaki ang ibinaba kumpara sa 4.4% drop noong february 2017.


Ang mga powdered juice ay bumagsak ng 15.4% at powdered tea sa 18.1%.

Mula sa 4.1% noong nakaraang taon, bumaba ng 7% ang benta ng carbonated soft drinks.

Isinagawa ng Nielsen ang pag-aaral para malaman ang reaksyon ng mga consumer sa pagtaas ng mga bilihin dulot ng dagdag na buwis.

Facebook Comments