Cauayan City,Isabela- Mistulang “kumadrona”ang mabilis na pagresponde ng isang kagawad ng Barangay Mabini, Santiago City matapos nitong tulungang paanakin ang isang buntis na hindi na umabot pa ng panganganak sa ospital noong biyernes,Agosto 6.
Sa eksklusibong panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Kagawad Joseph Cortez, isang emergency call ang kanyang natanggap hinggil sa isang babae inabutan na ng panganganak sa loob ng bahay.
Dagdag pa niya, ang pagiging public servant ay may katumbas na 24/7 na serbisyo na walang pinipiling pagkakataon sinuman ang tutulungan.
Paliwanag ni Cortez, tumawag naman siya sa barangay midwife upang ipagbigay alam ang sitwasyon subalit nasa kasalukuyang seminar ang komadrona ng maganap ang panganganak.
Agad naman aniya siyang nagtungo sa bahay ng Ginang at tumambad ang nakalabas na sanggol mula sa sinapupunan kung kaya’t binigyan nito ng nararapat aksyon ang mag-ina at ang pagtitiyak na magiging maayos ang kalagayan ng sanggol.
Ilang sandali pa aniya matapos maiayos ang sitwasyon ng mag-ina ay a
gad rin nila itong dinala sa pinakamalapit na birthing center kasama ang dalawang tumulong na rin sa sitwasyon ng Ginang na nakilalang sina Zenaida Encisa at Shanawiah Abagat.
Para kay Cortez, mapalad na maituturing ang kanyang pagresponde sa buntis upang gawin ang nararapat na aksyon ngayong ipinagpapasalamat niya na naging daan ang kanyang kaalaman sa pagpapaanak sa natapos nitong kursong Nursing.
Paalala lang nito sa publiko lalo na sa mga posibleng makaranas ng kahalintulad na sitwasyon na huwag pangunahan ng takot sa ganitong kalagayan.
Kwento pa niya, kasalukuyan noon ang coaching via phone call sa kanyang kaklase sa kolehiyo na si Jeffrey Esteban upang gawin ang tama at nararapat na pagpapaanak sa Ginang.
Sa kasalukuyan, maayos at malusog na isinilang ng Ginang ang kanyang sanggol na babae.
Umani ng samu’t saring papuri at komento sa social media ang ginawa ni Cortez sa Ginang.