Barangay Kagawad, Patay nang makailang beses na Pagbabarilin

Cauayan City, Isabela- Inaalam ngayon ng pulisya ang pagkakakilanlan ng mga suspek sa nangyaring pamamaril sa isang barangay kagawad bandang 4:30 ng hapon kahapon sa Brgy. Babayuan, Amulung, Cagayan.

Kinilala ang nasawing biktima na si Ferdinand Javier ,46-anyos, may-asawa at residente rin sa nasabing lugar.

Lumalabas sa imbestigasyon ng PNP Amulung, sakay ang mga suspek ng itim na hi-lux na walang plaka kung saan huminto sa mismong harap ng bahay ng biktima habang ang driver ng sasakyan ay kinausap ang isa sa nakatira sa bahay ng biktima para tanungin kung nasaan ang kagawad at ilang saglit pa ng dali-dali itong bumalik sa sasakyan.


Ilang saglit lang ng lumabas naman sa kanyang bahay ang biktima subalit habang papalapit ito sa dalawang suspek na ang isa ay nakasuot ng stripped gray/black jacket at maong short pants at ang isa naman ay nakasuot ng kulay dilaw na t-shirt at pulang pantalon na kapwa wala pang suot na facemask ay agad bumaba ang mga ito sa sasakyan at walang awang pinagbabaril sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang opisyal na kaagad ding tumakas matapos ang insidente.

Agad na isinugod sa pagamutan ang biktima subalit idineklara itong dead on arrival ng sumuring doktor.

Narekober sa crime scene ang limang (5) deformed fired bullet, labinwalong (18) basyo ng bala at tatlong (3) metal fragments ng kalibre .45 at 9mm.

Inaalam naman ng mga awtoridad ang motibo sa pagpatay sa biktima.

Facebook Comments