Barangay Kagawad pinagbabaril patay sa Midsayap North Cotabato

Patay ang isang barangay kagawad ng bayan ng Midsayap sa lalawigan ng North Cotabato ng ito ay pagbabarilin kahapon ng umaga. Naganap ang insidente sa Barangay Nabalawag pasado alas-otso ng umaga kahapon. Kinilala ang biktima na si Sukarno Samama, barangay kagawad ng Barangay Olandang . Sa ngayon ay inaalam pa ng Midsayap Pnp ang motibo at ang suspect sa pamamaril.(Amer Sinsuat)

Facebook Comments