Sugatan ang isang barangay kagawad sa bayan ng Alcala, Pangasinan matapos pagbabarilin ng dalawang lalaki.
Kinilala ang biktima na si Melvin Posadas, kagawad ng Barangay Canarvacan.
Ayon sa ulat, nangyari ang pamamaril sa harap mismo ng bahay ng biktima kung saan nagtanong muna ang mga ito bago pagbabarilin nang malapitan.
Isinugod naman sa ospital si Posadas kung saan nagtamo ito ng tama ng bala sa kanang braso.
Iniimbestigahan ngayon ng mga pulis ang anggulong may kinalaman sa nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Oktubre.
Facebook Comments