Mapandan Mayor Karl Christian Vega, nagpaliwanag matapos mabanggit ang pangalan sa isang investment scam

Nilinaw ni Mapandan Mayor Karl Christian Vega na hindi siya sangkot sa anumang investment scam.

Kasunod ito ng pagkakadawit ng pangalan ng alkalde sa isang “Ponzi scheme” kung saan nangangako ito ng malaking kita sa maikling panahon ng pamumuhunan.

Sa Facebook post ni Vega, nagbabala ito na maging maingat sa pagpasok sa anumang aktibidad na may kinalaman sa investment o pamumuhunan.


Nananawagan ito sa lahat ng sinumang entidad o abogado ng naturang mga scam na huwag gamitin ang kanyang pangalan.

Idudulog din ito ng opisyal sa abogado nito maging sa mga awtoridad sa batas para sa anumang mga kinakailangang aksyon na maaaring gawin laban sa mga gumawa ng mga scam na ito sa bayan, lalo na umano sa mga nagdawit ng kanyang pangalan.

Facebook Comments