BARANGAY KAGAWAD SA MANGATAREM PATAY MATAPOS MAKURYENTE

Patay ang isang Barangay Kagawad matapos itong makuryente sa bayan ng Mangatarem.
Ang biktima ay nakilalang si Jayson Mata, residente at Brgy Kagawad ng Brgy Naguilayan sa nasabing bayan.
Sa imbestigasyon ng pnp, naganap ang insidente pasado alas singko ng hapon nang makakita ng dalawang manok na panabong ang biktima na nagsasabong sa isang compound sa kanilang lugar.

Tinangka nitong huliin ang mga manok sa pamamagitan ng pag akyat sa bakod na kawayan subalit sa kasamaang palad ay napahawak din ito sa live wire dahilan para makuryente.
Nagtamo ito ng sugat sa ibat ibang bahagi ng katawan na agad namang naisugod sa pagamutan subalit idineklarang Dead on Arrival. |ifmnews
Facebook Comments