TULUYANG PAGPUKSA SA MGA PESTE, HINDI UMANO POSIBLE AYON SADEPARTMENT OF AGRICULTURE

Inilahad ngayon ng Department of Agriculture Region 1 ang pahayag na mahirap umanong puksain ng tuluyan o tinatawag na “total eradication” sa mga pesteng namiminsala sa mga pananim ng mga magsasaka.
Sinabi ni DA Region I Crop Protection Center Chief Marivic Begonia, base umano sa kanilang mga ginawang pag-aaral at obserbasyon, maaaring umanong hindi tuluyang mawala ang mga Fall Armyworms o iba pang mga peste bagamat aniya maaari naman umanong mapababa ang antas ng mga pinsala na maaari nilang maidulot para sa mga magsasaka at sa kanilang mga pananim.
Dahil sa kagustuhang mabawasan ang mga peste ay isinusulong ng ahensya ang paggamit ng tinatawag na “bio-control agents” tulad ng mga lure trap upang masolusyunan ang problemang sanhi ng pesteng umaatake sa mga corn crops.

Ipinanawagan ngayon ng opisyal na sakali umanong may mapansing mga itlog o posibleng pagmumulan ng mga Fall Armyworms sa kanilang mga pananim ay agad itong ipagbigay alam sa kanilang tanggapan upang agad ding mabigyan ng tulong. |ifmnews
Facebook Comments