San Isidro, Isabela – Nahuli ang isang barangay kagawad sa San Isidro Isabela matapos maaktuhang nagbebenta ng droga sa Barangay Quezon, San Isidro noong araw ng Linggo sa isinagawang buy bust operation ng pinag-sanib pwersa ng San Isidro Police Station at PDEA Regional Office 2.
Kinilala ang opisyal ng Barangay na si Joel Lapitan, tatlumpu’t limang taong gulang, may asawa at residente ng Purok 6, Barangay Doña Paulina, San Isidro,Isabela.
Nakuha sa pag-iingat ng kagawad ang isang libong piso bilang marked money, isang pakete ng shabu at cellphone matapos nitong bentahan ang nagpanggap na buyer na isang opisyal ng pulis.
Ang suspek maging ang mga nakonpiskang bagay ay dinala sa San Isidro Police Station para sa dokumentasyon at karagdagang imbestigasyon na sinaksihan ng dalawang opisyal na sina Barangay Capatain Jonathan Sales at Barangay Kagawad Juancho Basco.