DRUG CLEARED| Pangasinan, Nangunguna Sa Buong Region I Sa Drug Clearing Operations

Nasa 72 percent na ng Lalawigang Pangasinan ang Drug Cleared na ayon mismo kay Governor Amado I. Espino III.

Sa kakatapos nga na State of the Province Address (SOPA) ng gobernador, ibinida nito ang maraming nagawang accomplishment ng kanyang administrasyon sa kalakhang probinsya lalong lalo na sa laban kontra ilegal na droga.

Ayon kay Espino, ang lalawigan ang leading Province sa Region I pagdating sa drug clearing operations ayon narin sa mga datos na ibinida nito na mula mismo sa pamunuan ng PDEA at PNP. Dagdag pa niya, 1,271 barangays mula sa 1,364 ang drug cleared na katumbas ng 72 percent.


Sinuguro ng gobernador na tuloy tuloy ang suporta ng kanyang administrasyon sa kampanya kontra ilegal na droga at kriminalidad sa buong lalawigan.

Facebook Comments