BARANGAY KAISAKARAVAN, MULING AARANGKADA

CAUAYAN CITY- Muling aarangkada at maghahatid serbisyo ang Lokal na Pamahalaan ng Santiago sa Brgy. Villasis ngayong araw ika-3 ng Hunyo.

Kaagapay ng Lokal na Pamahalaan ng Santiago ang City Agriculture Office, City Health Office, City Social Welfare and Development Office, LDRRMO, Local Civil Registry Office, Persons with Disability Affairs Office at City Veterinary Office.

Kabilang sa mga serbisyong ihahatid ay ang libreng check-up at libreng binhi at abono.


Layunin nito na ilapit ang serbisyo sa mga mamamayan upang hindi na sila mahirapan pa na magtungo sa bayan upang makuha ang mga serbisyong ito.

Facebook Comments