MULTI-PURPOSE BUILDING, ITINAYO SA BAYAN NG MALLIG

CAUAYAN CITY – Inilaan ng Lokal na Pamahalaan ng Mallig, Isabela ang kanilang 2023 Financial Assistance to Local Government Units (FALGU) sa paglikha ng isang multi-purpose building na magsisilbing bagong vegetable section at trading center sa nabanggit na bayan.

Pinasinayaan kamakailan ang 574.6 square meter na building sa Public Market Compound.

Dinaluhan ng mga opisyal at personnel ng DILG, kinatawan mula sa Regional Project Development and Management Unit (RPDMU) ang FY 2023 FALGU at groundbreaking ng FY 2023 Seal of Good Local Governance Incentive Fund (SGLGIF).


Pinuri ni DILG Isabela Provincial Director Corazon Toribio, ang LGU Mallig dahil sa epektibong implementasyon ng nasabing proyekto at hinikayat ang mga ito na ipagpatuloy ang magandang pamamalakad sa kanilang lugar.

Facebook Comments