Masaklap ang sinapit ng isang barangay kapitan at kasama nito sa nangyaring pananambang at pinagnakwan pa sa Barangay General Luna sa bayan ng Carmen sa lalawigan ng North Cotabato.
Kinilala ang biktima na si Renato Ortiz, barangay chaitman ng Barangay General Luna, at ang angkas nito na kinilalang si Reynaldo Nobleza.
Pasado alas-6:00 ng gabi noong Biyernes ng gabi [Jan 26] sakay ng motorsiklo ang dalawa pauwi ng kanilang mga bahay nang tambangan sila sa Sitio Tabulon, Barangay General Luna.
Walong tama ng bala, ang tumama kay Ortiz habang siyam kay Nobleza na tumama sa iba’t ibang bahagi ng kanilang katawan.
Pasado alas-11:00 na ng gabi ng matagpuan ang bangkay ng dalawa na nakahandusay sa damuhan.
Ayon sa Cotabato Police Provincial Office una sa mga anggulo na tinitingnan nila ay robbery dahil nawawala umano ang P100 thousand na cash ni Kapitan Ortiz na nakalagay sa kanyang sling bag.
Napag-alaman na bago nangyari ang insidente ay kabebenta lamang ni kapitan ng kanyang mga produktong mais mula sa malawak na lupain nito sa bayan ng Carmen. (Amer Sinsuat)
Barangay Kapitan at 1 kasama pinagbabaril patay sa bayan ng Carmen North Cotabato
Facebook Comments