Barangay Kapitan at 8 iba pa, Timbog sa Pagpupuslit ng Pinutol na Kahoy

Cauayan City, Isabela- Naaresto ng mga awtoridad ang nasa likod umano ng iligal na pamumutol ng kahoy kabilang ang isang (1) kapitan ng barangay at walong (8) iba pa matapos maaktuhang nagpupuslit ng kahoy sa bahagi ng river bank Pinacanauan river, Brgy. Cataguing, San Mariano, Isabela.

Kinilala ang mga suspek na sina Harley Deolazo, 54-anyos, may-asawa, incumbent Barangay Capt. ng Cataguing sa naturang bayan; Helbert Martinez, 30-anyos, binata, magsasaka; Jeffrey Deray, 31-anyos; Michael Bacabi, 19-anyos, binata, magsasaka; Jomari Palattao, 29-anyos; Jerold Malsi, 34-anyos, may-asawa, drayber; Jerrymi Malsi, 29-anyos, laborer at Jackson Malsi, 37-anyos na kapwa mga residente ng Barangay Cataguing.

Ayon sa police report, bandang 4:40 kaninang madaling araw ng magresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek at pagkakakumpiska naman sa mga iligal umano na pinutol na kahoy sakay ng isang 6×6 truck matapos ang ginawang operasyon ng pinagsanib na pwersa ng PIU, Isabela PPO (lead unit), San Mariano PS at 1st IPMFC.


Kinumpiska ang higit kumulang 2,000 board feet na kahoy at 6×6 truck na may plakang BCJ 617 na pag-aari umano ng kapitan.

Dinala na sa himpilan ng pulisya ang mga suspek habang inihahanda na ang kasong PD 705 o Illegal logging na isasampa laban sa kanila.

Facebook Comments