Barangay Kapitan at Kanyang Kapatid, Sinilbihan ng Warrant of Arrest Dahil sa Droga

Ballesteros, Cagayan – Matagumpay na isinilbi ng mga pinagsamang puwersa ng PDEA Region 2, 17th IB, 5ID, PA at Ballesteros Police Station ang Warrant of Arrest laban sa magkapatid na matagal nang napapabalitang nangangalakal ng illegal na droga sa lalawigan ng Cagayan.

Ayon sa PDEA Region 2, ang naturang pagkakaaresto ay isang patunay na ang kamay ng batas ay sadyang napakahaba.

Ang Warrant of Arrest as isinilbi noong Nobyembre 22, 2017 bandang 12:30 ng tanghali laban sa magkapatid na Arnulfo at Edmundo Uclos sa Barangay Mabuttal East, Ballesteros, Cagayan.


Batay sa magkahiwalay na mandamiento de aresto, si Arnulfo Uclos, 53 anyos, may asawa, walang trabaho at nakatira sa pareho ding lugar ay injaresto dahil paglabag sa Section 11 (Possession of Dangerous Drugs) ng Article II ng RA 9165.

Samantala ang kapatid naman niyang si Edmundo Uclos, 50 anyos, may asawa at barangay kapitan ng Mabuttal West, Ballesteros, Cagayan ay inaresto dahil sa paglabag sa Section 11 (Possesion of Dangerous Drugs) at Section 12 (Possession of Drug Paraphernalia) ng Article II ng Republic Act 9165.

Walang piyansang nairekomenda sa dalawang naaresto.

Sina Arnulfo and Edmundo ay miyembro ng local drug group na nakabase sa Ballesteros, Cagayan ay kilalang mga untouchables at matagal na panahon na napapabalitang nangangalakal ng droga sa lalawigan.

Facebook Comments