Pagdedeklara sa NPA bilang terorista hindi na kailangang isabatas – Malacañang

Manila, Philippines – Naniniwala ang Malacañang na hindi na kailangan pang dumaan sa kongreso sakaling ideklara ni Pangulong Rordrigo Duterte na isang terrorist group ang New People’s Army.

Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, nakapaloob naman sa kapangyarihan ng Pangulo ng bansa na tukuyin o bansagan ang mga banta sa national security.

Pero sinabi ni Roque na kung ang pag-uusapan ay ang criminal prosecution sa mga NPA ay kailangang naaayon ito sa mga umiiral na batas ng bansa.


Matatandaan na sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipaaaresto din niya ang mga miyembro ng legal front ng NPA kung saan sinabi ni Roque na posibleng makasuhan ng conspiracy to terrorism sa ilalim ng Human Security Act ang mga ito.

Sinabi din ni Roque na dapat ay hintayin na lang ang magiging desisyon ni Pangulong Duterte kung anong legal arm ng New People’s Army ang makakasuhan at ipaaaresto.

Facebook Comments