Barangay kapitan at tatlong negisyante, huli sa drug raid!

MAASIM, SARANGANI- Arestado ang Punong Barangay ng Barangay Tinoto, Maasim, Sarangani na si Rajik Kudarat at tatlong negosyante na sina Romeo Gulam at mag-asawang Jhon at Rosa Hailen sa drug raid na ikinasa ng Philippine Drug Enforcement Agency, Joint Task Force Gensan, at 4th Special Forces Battalion pasado ala una ng madaling araw nitong sabado.

Sa bahay ni Kapitan Kudarat, nasamsam ng raiding team ang isang 9mm Ingram, M-2 rifle, at isang malaking sachet ng hinihinalang shabu.
Itinanggi naman ito ng kapitan.

Sunod na pinasok ng raiding team ang bahay ng negosyanteng si Romeo Gulam at nasamsam ang tatlong M-16 rifle, isang carbine, at toy gun na replica ng M-16 rifle at caliber 45 pistol, iba’t ibang mga bala at isang malaking sachet ng hinihinalang shabu.


Aminado syang walang lisensya ang dalawa nyang baril, pero giniit nyang planted ang sachet ng droga.

Nawawala rin umano ang lisensyado nyang kalibre kwarentay singkong baril.

Huling pinasok ng raiding team ang bahay ng mag-asawang negosyante na sina Jhon at Rosa Hailen.

Narekober sa kanila ang tatlong mlalaking sachet ng hinihinalang shabu, cash na mahigit isang milyong piso, atm cards na isinangla umano sa kanila ng mga 4P’s beneficiaries, at fragmentation grenade.

Itinanggi rin ng mag-asawa ang nasnasamsam na droga.

Nakuha rin sa general merchandising store ng mag-asawa ang caliber 45 na pistola.

Ayon kay PDEA 12 Director Gil Castro, sa pagkakahuli ng tatlong negosyante, nabuwag na umano nila ang mga malalaking miyembro ng Premo Drug Group na kumikilos sa Sarangani at Gensan.

Kabilang naman umano sa listahan ng narco-politician si barangay captain Kudarat.

Facebook Comments