Barangay Kapitan na Pumatay sa Kanyang Asawa, arestado!

Angadanan, Isabela – Inaresto ng kapulisan ang kasalukuyang barangay kapitan ng Barangay Esperanza, Angadanan, Isabela dahil sa pagpatay sa sariling asawa.

Sa panayam ng RMn news cauayan kay Police Senior Inspector Ardee Tion, hepe ng nasabing bayan na dinakip nila si kapitan Nilo Magauay sa bisa ng mandamiento de aresto na ipinalabas ni hukom Reymundo Aumentado ng RTC Branch 20 Cauayan City.

Sinabi pa ni Senior Inspector Ardee Tion na naganap ang pamamaslang ng kapitan sa asawa nito na si Caroline Magaoay noong January 28,2016.


Batay sa salaysay ng kapitan sa himpilan ng pulisya noong maganap ang krimen ay pinasok at pinagnakawan umano sila hanggang sa mapatay ang misis nito ng mga hindi nakilalang salarin.

At dahil sa hindi kumbinsido ang pamilya ni Caroline Magaoay ay lumapit sila sa tanggapan ng National Bureau of Investigation o NBI Isabela.

Makalipas ang masusing pagsisiyasat ng NBI, lumabas na ang kapitan din ang pumatay base sa mga nakalap na ebidensya kayat sinampahan ng kasong parricide ang nasabing opisyal.

Sa ngayon ay nakapiit na ang suspek sa Bureau of Jail Management and Penology o BJMP Cauayan City.

Facebook Comments