Barangay Kapitan, Nakatanggap ng Death Threat!

Gamu, Isabela – Kinumpirma ng barangay kapitan ng Upi sa bayan ng Gamu na nakatanggap sya ng death threat sa kanyang pagtakbo bilang kapitan muli ng nasabing barangay.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay barangay captain Jeorge Gatering na sinasabi umano sa txt message sa kanya na huwag nang tumakbo muli para hindi nila idamay ang kanyang pamilya.

Aniya pina-blotter na niya ito sa pulisya at nitong nakaraang mga araw umano ay mayroong umaabang na mga kalalakihang nakasingle motor kapag lumalabas ang pamilya nito sa kabila na umiikot naman ang kapulisan ng Gamu sa kanyang barangay.


Sinabi pa ng kapitan na nais lamang niyang ipagpatuloy ang paninilbihan sa mga kabarangay niya dahil marami pa umanong proyekto na hindi pa natatapos hanggang sa ngayon tulad ng mga pagpapasemento ng ilang daan sa barangay at paglinis sa barangay hinggil sa droga.

Matatandaan na ang barangay Upi, Mabini at District 2 ng bayan ng Gamu ay kabilang sa election watch list.

Facebook Comments