Barangay Osmeña ng City of Ilagan, Muling Lalaban sa Lupon Tagapamayapa!

City of Ilagan, Isabela – Muling lalaban ang Barangay Osmeña ng City of Ilagan sa kompetisyon ng Lupon Tagapamayapa na isinasagawa ng DILG kada taon.

Ayon kay Barangay Captain Jun Yadao, kapitan ng Osmeña na sa buong lambak ng Cagayan ay isa sa napili ang barangay nito na muling kasali sa patimpalak.

Nitong nakaraang taon ay isa na ring conterder ang Barangay Osmeñna na nakatanggap ng premyong Php50K at ginamit ito sa training ng labing apat na miyembro ng Lupon Tagapamayapa ng nasabing barangay.


Aniya nakakatanggap din kada taon ng isang milyong piso ang barangay mula sa lokal na pamahalaan ng Ilagan.

Sinabi pa ni kapitan Yadao na may ebalwasyon ang DILG mula sa municipal,provincial hanggang sa region para makapasok sa nasabing patimpalak.

Iginiit pa ng nasabing opisyal na naging maayos lamang umano ang pagharap ng mga kasamahan nya sa mga kasong pangbarangay.

Umaasa naman ang kapitan na muling makukuha ng Barangay Osmeña ang Hall of Fame sa Search for Lupon Tagapamayapa ngayong taon.

Facebook Comments