BARANGAY KAPITAN NG BRGY. MAPAWA, SURIGAO CITY BINARIL AT NAMATAY

BARANGAY KAPITAN NG BRGY. MAPAWA, SURIGAO CITY BINARIL AT NAMATAY
Binaril at namatay ang Brgy. Kapitan ng Brgy. Mapawa, Surigao City. Kinilala ang biktima na si Felipe Palimo Achas, 49 taong gulang, may-asawa, nakatamo ng tatlong tama ng baril, dalawa nito sa ulo at isa sa tiyan. Dinala pa ang biktima sa isang pribadong ospital ngunit idineklarang Dead on Arrival.
Sa salaysay ng saksi, ang Brgy. Secretary na si Virginia Baragan Echin, diumano’y si Brgy. Captain Achas kasama ang isang hindi kilalang lalaki ang dumating sa kanilang bahay at gustong kumuha ng iilang dokumento sa barangay. Nabigla na lamang siya na ang naturang lalaki ang binaril ang biktima na tinamaan sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
Sa sumbong pa nito, suspek ang katamtaman ang pangangatawan, mga 5’8” ang taas, mga 40 hanggang 45 taong gulang, may suot na sombrero. Matapos isagawa ang krimen, naglakad lamang ang suspek palabas at diumano’y may naghihintay na kasamahan sakay ng isang motorsiklo kulay pula at walang plate number. Tumakas kaagad ang mga ito papunta sa direksiyon ng Brgy. Capalayan.
Hanggang sa mga oras na ito, patuloy ang imbestigasyon ng PNP sa posibleng anggulo sa pangyayari, na-recover sa pinagyarihan ang 4 na basyo ng .45 kalibre ng baril.

Facebook Comments