Barangay Kapitan ng isang barangay sa Badian Cebu, arestado sa buy bust operation ng PDEA-7

Nahulog sa mga kamay ng Philippine Drug Enforcement Agency PDEA-7 ang isang kapitana na tinaguriang Big Time Drug lord sa bayan ng Badian soutwestern Cebu.

Si Epifania Alvizo, Kapitan ng Brgy. Malabago Badian nadakip sa isinagawang buy bust operation ng mga ahenti ng PDEA-7 .

Samantala sa pangalawang buy bust operation ng PDEA sa Sitio Cabil-isan, Barangay Banhigan, Badian , nadakip ang umano’y kasama ni Alvizo sa ilegal na negosyo na si Ronan Lobrando .


Ayon sa kay PDEA-7 Chief Yogi Ruiz na tatlong buwan nilang isinailalim sa surveillance ang mga suspek .

Mahigit dalawang milyong piso na halaga ng shabu ang narecover ng PDEA-7 mula sa mga suspetsado.

Duda ni Ruiz na , mula sa National Bilibid Prison ang supply ni Alvizo sa iligal na droga kung saan nakabilango ang asawa dahil sa kasong pagkidnap sa Cebuano businessman na si Regan King noong 1998.

Facebook Comments