Tiyahing lulong sa droga na pumatay sa kanyang isang taong gulang na pamangkin, kinasuhan na

Manila, Philippines – Patay ang isang taong gulang na bata sa kamay ng kanyang tiyahin sa Caloocan City.

Napaulat na nawawala ang batang si Brian Jay Agustin o Pao-Pao at nakatanggap din ang lola na text na humingi ng 3,000 pesos kapalit ng bata.

Nadatnan na lamang ang bata na walang buhay sa kanal sa labas ng kanilang bahay.


Ayon sa suspek na si Maria Ruth Mariano, binalutin niya ng tape ang bata at isilid ng ilang oras sa loob ng cabine dahil walang tigil sa pag-iyak ang bata.

Inamin din ng suspek na lango siya sa ilegal na droga.

Pinagsisisihan naman ng suspek ang kanyang nagawa.

Nahaharap sa kasong murder ang salarin.

Facebook Comments