Sa pamamagitan ng Search Warrant na inilabas ni Honorable Raymundo L. Aumentado, Executive Judge Ng Regional Trial Court Second Judicial Region Cauayan City ay hinalughog ang tahanan ng pamilyang Eder kaninang hatinggabi.
Pagkatapos na may mga makitang mga baril at bala ay kasabay na ring dinakip si kapitan Jessie Eder Sr y Butac, 61 taong gulang, Jessie Eder Jr may asawa, magsasaka at anak ni kapitan at isa pang anak niya na si Rogue Eder, 40 taong gulang, binata na pawang mga Residente ng Barangay Buyon, Cauayan City.
Ang Search Warrant ay isinilbi ng pinagsanib na puwersa ng PNP Cauayan at SWAT sa pamumuno ni PCol Sherwin Cuntapay, Chief of Police ng PNP Cauayan.
Ang naturang pagsisilbi ng Search Warrant at ang ginawang paghalughog ay sinaksihan ng iFM Cauayan sa pamamagitan ni RadyoMaN Gleniel Agonias at mga barangay kagawad na Sina Ramon Agbayani, Arcenio Craramo, Jomar Agraam at Jorge Ofden ng naturan ding barangay.
Batay sa panayam ng iFM kay Punong Barangay Jessie Eder Sr., aminado siya na may baril siya na kalibre 45 na paso na ang lisensya at shotgun na ipinamahagi ng kapitolyo ng Isabela na kanila naman umanong ginagamit sa kanilang barangay kapag nagroronda ang mga tanod sa kada gabi at kung may okasyon sa barangay.
Ang imbentaryo ng mga nakuhang mga baril at bala ay ang mga sumusunod:
1. 3 pcs caliber 45;
2. 4 pcs magazine for caliber 45;
3. 1 pcs Improvise caliber 22;
3. 1 pcs 12 gauge shotgun;
4. 2 pcs improvise shotgun;
5. 2 sling bags;
6. 4 live ammunition for 12 gauge shotgun;
7. 1 empty magazine for m16 rifle;
8. 1 pc grenade launcher;
9. 1 pc hand granade;
10. 1 pc Black Hollster;
11. 14 pcs live ammunition for caliber 45;
12. 10 pcs live ammunition for caliber 38 revolver;
13. 4 pcs Live ammunition for 12 gauge shotgun;
14. 1 pc live ammunition for caliber 38;
15. 1 pc caliber 38 revolver;
16. 35 pcs live ammunition for m14 rifle;
Kasalukuyang nakadetine ang tatlo sa lock-up cell ng PNP Cauayan at kasalukuyan din ang pulong balitaan sa pamumuno ni PNP Cauayan Chief PCol Cuntapay kasama ang mga local media kaugnay sa pangyayaring ito.
Pinoproseso na ng PNP Cauayan ang pagsasampa ng kaso sa tatlo (kapitan Jessie Eder Sr y Butac, Jessie Eder Jr at Rogue Eder) dahil sa paglabag sa R.A 10591 na kilala sa An Act Providing Comprehensive Law in Firearm and ammunition and Providing penalties thereof at RA 9516.