77-M fully vaccinated individuals bago bumaba sa pwesto si Pangulong Duterte, pipilitin maabot ng pamahalaan

41

Pipilitin ng gobyerno na makamit ang target na 77 million fully vaccinated individuals bago tuluyang bumaba sa pwesto si Pangulong Rodrigo Duterte sa Hunyo 30.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni National Vaccination Operations Center (NVOC) Chairperson at Health Usec. Myrna Cabotaje na sa ngayon ay nasa 69-M na ang mga nakatanggap ng 2 doses ng bakuna.

Ani Cabotaje, pag-iibayuhin nila at irarampa ang vaccination drive para maabot ang 8-M kulang sa target.


Kabilang sa bubuo ng 8-M ay ang mga batang edad 5 hanggang 11 years old gayundin ang mga 12 hanggang 17 yrs. old at mga residente sa BARMM at mga lugar na mababa parin ang vaccination rate.

Sa ngayon, focus ng Department of Health ang low performing areas para maitaas pa ang vaccination coverage sa mga lugar na ito.

Puspusan din aniya ang kanilang information drive para ipabatid lalo na sa mga liblib na lugar ang kahalagahan ng pagbabakuna.



Facebook Comments