Barangay Kapitan ng Magsaysay Naguilian Isabela, Sang-ayon na Armasan ang mga Opisyal ng Barangay!

Naguilian, Isabela – Sang-ayon si Barangay Captain Vicente Valdez ng Brgy. Magsaysay, Naguilian Isabela sa panukalang armasan ang mga opisyal ng barangay laban sa isyu ng droga sa kanilang lugar.

Aniya kinakailangan lamang umano na dumaan sa tamang proseso ang mga opisyal sa pagkuha ng lisensya ng baril at nasa local government code na maari lamang dalhin ang baril sa lugar ng kanilang nasasakupan.

Nararapat din aniya na dumaaan sa isang pagsasanay ang opisyal lalo na ang paghawak ng baril.


Sinabi pa ni Valdez na maging mahigpit lamang ang mga punung bayan at mga kapulisan para disiplinahin ang hindi susunod sa kautusan ng paghawak o paggamit ng baril.

Samantala sinisikap ng pamunuan ni barangay captain Valdez na malinis na ang kaniyang barangay at umaasa umano siya na magiging drug cleared barangay ang Magsaysay hanggang ngayong taon.

Facebook Comments