Barangay Kapitan target sa Magpet North Cotabato?

Sugatan ang isang Barangay Kapitan sa bayan ng Magpet matapos pagpapabarilin kahapon.

Kinilala ang biktima na si Emilio Babao Bienavides,59 anyos, Barangay Kapitan ng Barangay Datu Celo Magpet North Cotabato.

Sa report mula sa PNP North Cotabato alas dose kurentay singko ng pagbabarilin ang kapitan ng di nakilalang suspek gamit ang kalibre 45 sa bahagi Brgy Noa at Brgy Bagumbayan.


Sinasabing sakay ng motorsiklo si kapitan papauwi magmula sa isinagawang Liga ng Barangay Election.

Patuloy na inoobserbahan ang sitwasyon ng biktima habang nagpapatuloy rin ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad.

Ito na ang ikalawang insidente ngayong buwan na naging biktima ng pamamaril ang isang Barangay Kapitan.

Noong July 10 , sugatan din sa pamamaril si Ferdinand Cariaga, chairman ng Barangay Sallab, Magpet. Sakay rin ito ng motor ng pagbabarilin ng di nakilalang salarin.

Facebook Comments