8 patay, 90 kritikal matapos makalanghap ng petrol fumes sa Libya

Libya – Natagpuang patay ang walong migrants kabilang ang anim na bata sa loob ng isang container matapos hindi makalanghap ng petrol fumes sa Zuwara City, Libya.

Bukod sa walo, nasa 90 migrants na pawang galing Sub-Saharan African at Arab countries ang nagtagpuang nagsisiksikan sa container at nasa kritikal ang kondisyon.

Ang container ay idinisenyo sa pagpapadala ng karne at isda na natagpuan malapit sa isang oil and gas complex.


Ang Zuwara City ay isa sa lugar kung saan hino-hold ng mga smugglers at traffickers ang mga migrants bago sila ibiyahe patungong Europa sa pamamagitan ng bangka.

Facebook Comments