Barangay Kapitan Tulak Pala ng Droga

Naaktuhan ang isang barangay kapitan na nagbebenta ng ilegal na droga sa pamamagitan ng matagumpay na drug buy bust operation ng pinagsamang puwersa ng PDEA Cagayan Valley at PNP Enrile, Cagayan.

Ang barangay kapitan ay nakilalang si Gilbert Callangan y Anog, 49 anyos, may asawa at nakaupong punong bangay ng Barangay 2, Enrile, Cagayan.

Sa nakalap na impormasyon ng 98.5 DWKD RMN Cauayan News Team mula sa PDEA Region 2, nagsagawa ang mga otoridad ng kunwaring pagbili ng droga mula sa suspek noong August 13, 2017 ng 7:00 ng gabi at aktong nahulihan ang suspek sa kanyang pagbebenta ng droga.


Nakumpiska mula sa naturang opisyal ang dalawang (2) piraso ng heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng .08 gram. Nagkakahalaga ito ng isang libong piso (Php1,000.00).

Si Callangan ay nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs) at Section 11 (Possession of Dangerous Drugs) sa ilalim ng RA 9165 o ang Comprehensive Drug Act of 2002.

Kaugnay nito, nagbabala si PDEA Region 2 Regional Director Laurefel P Gabales sa mga opisyal ng gobyerno na tuloy pa rin ang pagkasangkot sa ilegal na droga sa likod ng kanilang panunumpa na itaguyod ang batas na sila ay aabutan ng kampanya kontra droga hanggang maligtas ang lahat ng barangay sa lambak ng Cagayan.

Facebook Comments