Cauayan City, Isabela- Mapapalawak na ang magiging papel ng mga barangay officials sa Lungsod ng Cauayan matapos ilarga ang “Barangay ko, Bantay ko” o Brgy COVID-19 patrol.
Sa isinagawang training kahapon sa FLDy Coliseum na pinangunahan ni City Mayor Bernard Dy, binigyan ng kaalaman ang mga barangay officials sa pagpapatupad ng mga quarantine protocols sa kanilang nasasakupang barangay.
Kasama sa kanilang ginawang pagsasanay ay ang pagbibigay ng isolation tent na maaaring gagamitin ng mga sasailalim sa strict quarantine.
Ito ay alinsunod na rin sa protocol ng Department of Health (DOH) at bilang paghahanda na rin ng lokal na pamahalaan sakaling dumagsa pa ang mga locally stranded individuals (LSI’s) mula sa NCR at iba pang karatig probinsya.
Aminado na rin City Health Office na puno na ang mga itinalagang quarantine facilities sa Lungsod kaya’t kinakailangan na palawakin pa ito.
Ikinokonsidera naman ngayon bilang karagdagang pasilidad ang mga eskwelahan sa bawat barangay.