Iminungkahi ni Vice President Leni Robredo na palakasin ng pamahalaan ang isang umiiral na batas para sa mga maliliit na negosyo para mas mai-angat ang ekonomiya sa halip na patawan ng buwis ang mga online seller.
Sa programang Biserbisyong Leni sa RMN Manila, sinabi ni Robredo na maaaring i-avail ng mga mailiit na online sellers ang Republic Act No. 9178 o Barangay Micro Business Enterprise (BMBE) Law.
Sa ilalim ng batas, mabibigyan ng benepisyo tulad ng tax exemption at market assistance ang Micro, Small, at Medium Enterprises (MSMEs).
Iginiit ni Robredo na ang dapat habulin ng pamahalaan ay ang Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) na may bilyon-bilyong pisong hindi nabayarang buwis kaysa sa tutukan ang mga online seller na kumikita para sa kanilang pamilya para makatawid sa pandemya.
Nabatid na naglabas ng direktiba ang Bureau of Internal Revenue (BIR) kung saan inaatasan ang mga online seller na iparehistro ang kanilang negosyo at ideklara ang mga nakaraang transaksyon bago ang Hulyo 31.