Barangay na apektado ng ASF, nabawasan na ayon sa DA

Kinumpirma ng Department of Agriculture (DA) na maraming lugar sa bansa ang nakarekober sa epekto ng African Swine Fever (ASF).

Ayon kay Agriculture Assistant Secretary Noel Reyes, noong Agosto 2020 ay naitala ang 1,773 barangay na tinamaan ng ASF.

Pero ngayong Marso 19, 2021, ito ay nasa 178 na lamang barangay na may ASF na matatagpuan sa Masbate, Davao Region at Leyte.


Napansin ang pagbaba ng kaso ng ASF virus sa baboy nitong pagpasok ng taong 2021.

Sa kabuuan, mayroon nang mahigit 450,000 na baboy ang pinatay at inilibing dahil sa naturang sakit upang mapigilan ang pagkalat ng virus.

Samantala, sinabi Edgardo Luzano, Assistant Vice President ng Land Bank of the Philippines, nakahanda na silang tumanggap ng aplikasyon para sa pag-avail sa P15 billion loan para buhayin ang hog industry.

Kabilang sa requirement ay ang pagkuha ng biosecurity certification, patunay na may kakayahang mag-operate ng commercial scale na babuyan, at kailangang nai-release na sa ASF quarantine ang mga commercial hog raiser.

Facebook Comments