Sa ating panayam kay Police Executive Master Sergeant Francis Tamayao, layunin ng nasabing aktibidad na magpalaganap ng kamalayan sa publiko tungkol sa panganib na maaaring idulot ng bomba.
Bukod dito ay para magkaroon ng ideya ang mga mamamayan sa lungsod tungkol sa mga dapat at ‘di dapat gawin sakaling may madiskubreng pampasabog o Improvised Explosive Devices (IED).
Isinasagawa aniya nila ang Bomb Awareness lecture sa mga eskwelahan, malalaking establisyimento, at sa mga barangay hall sa Syudad para lalong maimpormahan ang mga Cauayeño.
Kaugnay nito ay nananawagan si Tamayao sa publiko na kung sakaling may makita o madiskubreng IED o anumang klase ng pampasabog ay agad na itawag sa kanilang hotline sa 09168641357 para agad itong maaksyunan.
Samantala, taong 2021 nang huling makarekober ang K9 Unit ng mga vintage bomb na nadiskubre sa isang Junkshop sa Barangay Sillawit at ito ay naipasakamay na sa Explosives Ordnance Division (EOD).