BARANGAY OFFICIALS SA SAN CARLOS CITY, PINAALALAHANG MANGUNA UKOL PAGHIHIGPIT SA IPINATUTUPAD NA HEALTH PROTOCOLS

SAN CARLOS CITY, PANGASINAN – Nagsagawa ng agarang pagpupulong ang lokal na pamahalaan ng San Carlos City kaugnay sa mga hakbang upang hindi na muling tumaas ang kaso ng COVID-19 sa lungsod.

Sa isang public address, sinabi ni ng alkalde ng lungsod na si Mayor Julier”Ayoy” Resuello, bagama’t patuloy ang pagsunod na itinakda na IATF Protocols at sa Executive Order na inilabas ng Provincial Government ng Pangasinan upang malabanan ang muling pagtaas ng kaso ng COVID-19 ay dapat na mas paigtingin parin sa kada barangay ang pagpapatupad ng health protocols kung saan sa mga lugar na ito dapat magsimula ang disiplina.

Idinagdag pa nito, na nakipagpulong na ito sa mga barangay kapitan ukol sa paghihigpit sa barangay tulad ng pagbabawal sa mga edad 18 pababa na hindi pa bakunado dahil sila umano ay nasa ‘high risk’ pagdating sa virus.

Hindi nito iminumungkahi na dalhin sa labas ang mga bata upang sa gayon ay maiwasan na sila ay mahawaan ng Omicron variant ng COVID-19.

Magmamando na umano ang mga barangay officials kung saan ay reregulahan na ang paggamit ng Videoke na kung matatandaan ay muling pinayag noong holiday season.

Ang mga nais namang magdaos ng mga pagtitipon at kasiyahan ay Kailangan umanong kumuha ng mga permit mula sa kapitan bago isagawa ito at kung maaari umano ay iwasan ang pag imbento ng ibang tao o bisita mula sa ibang lugar na maaaring pagmulan ng pagkalat ng virus.
Mas mainam aniya na ngayon ay limitado lamang sa pamilya ito.

Nakiusap ang alkalde sa publiko ng kooperasyon at pakikipag tulungan sa ginagawang aksyon ng lokal na pamahalaan dahil sa naniniwala ang alkalde na muling maiiwasan ang pagtaas ng kaso sa lungsod.

Samantala, nagpaalala ang lokal na pamahalaan ng lungsod sa mga residente na hindi pa bakunado kontra COVID19 na samantalahin ang pagkakaroon ng sapat na suplay ng bakuna ng sa gayon ay may dagdag proteksyon laban sa virus kalakip ng pagsunod sa health protocols. | ifmnews

Facebook Comments