Reproduction rate sa NCR, bumaba sa 4.69 – OCTA

50

Bahagyang bumaba sa 4.69 mula sa 6.16 ang reproduction rate o bilis ng hawaan ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR).

Ayon kay OCTA Research Fellow Dr. Guido David, ang pagbaba ng reproduction rate ay nangangahulugan na bumabagal ang trend ng kaso.

Gayunman, hindi naman masabi ni David kung naabot na ng COVID-19 cases ang peak nito.


Facebook Comments