Barangay Peacekeeping Action Team, Nagtapos sa ilalim ng Capability Enhancement Training!

CAUAYAN CITY, ISABELA- NAGTAPOS ANG MAY MAHIGIT SA 300 BARANGAY TANOD SA LUNGSOD NG CAUAYAN SA ILALIM NG BARANGAY PEACEKEEPING ACTION TEAM NA LAYONG MAGING KATUWANG NG KAPULISAN SA PAGRESPONDE SA ILANG PANGUNAHING KRIMEN SA KANILANG NASASAKUPAN.

SA NAGING PANAYAM NG 98.5 IFM CAUAYAN KAY P/CAPT. ESEM GALIZA, SA PAMAMAGITAN NG ISINAGAWA NILANG PAGSASANAY AY HIGIT NA INAASAHAN NA MAS MAPAPABILIS ANG PAGRESPONDE NG MGA ITO SAKALING MAY KRIMEN.

AYON PA KAY CAPT. GALIZA, WALA DAPAT IPANGAMBA ANG PUBLIKO SA BAWAT BARANGAY DAHIL SA GINAWANG PAGSASANAY NG KAPULISAN SA MGA BPAT MEMBER AT MAS LALONG HIGIT SILANG MAKAKAPAGBIGAY NG AGARANG AKSYON SA KOMUNIDAD.


HINDI LAMANG ANIYA MGA KAPULISAN ANG MAAARING MAKAPAGBIGAY NG PAUNANG RESPONDE KUNDI MAGING MGA TANOD.

BUKOD DITO, NANGAKO NAMAN SI MAYOR BERNARD FAUSTINO DY NA DARAGDAGAN PA NG LOKAL NA PAMAHALAAN ANG MGA KAGAMITAN NG MGA BPAT MEMBER GAYA NG POSAS, FLASHLIGHT, RAINCOAT AT KARAGDAGANG SASAKYANG GAGAMITIN SA PAGPAPATROLYA.

Facebook Comments