Barangay Police, Patay sa Panunuwag ng Alagang Kalabaw

301

Cauayan City, Isabela- Natagpuan ang wala nang buhay na katawan ng isang barangay police pasado 6:00 ng umaga kanina sa Brgy. Oscariz, Ramon, Isabela.

Kinilala ang biktima na si Marlon Valencia, 47-anyos at residente ng Brgy. Sinamar Sur, San Mateo, Isabela.


Lumalabas sa imbestigasyon ng Ramon Police Station, pinaniniwalaang sinuwag ito ng kanyang alagang kalabaw habang nagpapastol sa gitna ng bukirin matapos makitaan ng laslas sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan.

Nabatid na may bakas ng dugo sa sungay ng nasabing hayop.

Facebook Comments