BARANGAY RESPONSE TEAMS SA CALASIAO, SINANAY SA KAUNA-UNAHANG FIRE AND RESCUE OLYMPICS

Isinagawa sa bayan ng Calasiao ang Barangay Fire and Rescue Olympics 2026 kung saan Ipinakita ng mga miyembro ng Community Emergency Response Teams o CERT mula sa iba’t ibang barangay ang kanilang kahandaan sa pagresponde sa sunog.

Sa naturang kaganapan, ibinahagi rin ang tamang gawain sakaling magkaroon ng aksidente at iba pang sakuna.

Sa iba’t ibang rescue at emergency drills, ipinamalas ng mga kalahok ang kanilang husay, bilis at tamang estratehiya.

Ayon sa mga opisyal, layunin ng aktibidad na mas mapalakas pa ang kakayahan ng mga barangay responders upang masiguro ang mabilis at maayos na pagresponde sa oras ng emergency.

Sa pamamagitan umano nito ay patuloy na pinagtitibay ng pamahalaang lokal ang kahandaan ng komunidad laban sa anumang sakuna at banta sa kaligtasan ng publiko. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments