BARANGAY ROADS SA SAN NICOLAS, PINAILAWAN

Pinailawan ng lokal na pamahalaan ng San Nicolas ang bahagi ng kalsada sa dalawang barangay para sa kaligtasan ng mga residente at motorista tuwing gabi.

Nasa 20 bagong LED solar-powered street lights ang hinati sa kahabaan ng kalsada patungo sa Barangay Hall ng Brgy. Cacabugaoan, habang ang natitirang sampu ay inilagay sa basketball court ng Sitio Nagsimbaoan.

Ayon sa tanggapan, bahagi ng inisyatibong na isulong ang makakalikasan at malinis na pinagkukunan ng enerhiya.

Matatandaan, na nauna nang pinailawan ang ilan pang barangay roads at pampublikong lugar na plano pang palawigin sa iba pang bahagi ng bayan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments