Bilang ng mga naka-admit na pasyente sa PGH, patuloy na bumababa

125

Patuloy na bumababa ang bilang ng mga COVID-19 patient na nananatili ngayon sa Philippine General Hospital (PGH).

Sa datos na inilabas ng PGH, nasa 244 na lamang ang bilang ng naka-admit na pasyente na pawang mga kumpirmadong kaso ng COVID-19.


Nasa 1,478 naman ang nasawi habang 4,860 ang nakarekober sa sakit.

Sa kabuuan, pumalo sa 6,621 ang kabuuang bilang ng mga na-admit na COVID patient sa PGH mula noong February 2020.

Patuloy rin nananawagan ang PGH sa mga nais mag-donate ng dugo kung saan maaaring tumawag sa UP-PGH Blood Bank sa numerong 8554-84-00 local 3214 o sa cellphone number na 0947-4523667 at 0947-4882817.

Facebook Comments