Barangay San Pablo ng Cauayan City Isabela, Mabibigyan ng Rescue Vehicle!

46

Cauayan City, Isabela – Kinumpirma ni Barangay Captain Mario Asis ng Barangay San Pablo, Cauayan City na ngayong araw ay tatanggapin nila ang ipagkakaloob na rescue vehicle mula sa city government ng Cauayan.

Aniya ipinaabot na umano kagabi sa kanya ni Mayor Bernanrd Dy ang hinggil sa multi-cab na kanilang matatanggap.

Sinabi pa ni kapitan Asis na ang pagkakaroon umano ng kanyang barangay ng sasakyan ay dahil sa nagwagi umano ang barangay San Pablo sa ginanap kamakailan na Barangay Rescue on Disaster o BROD Challenge.

Nagpahayag naman ng pasasalamat si kapitan Asis sa city government partikular kay Mayor Bernard Dy sa ibibigay na rescue vehicle.

Samantala lahat umano ng opisyal ng barangay San Pablo ay magtutungo sa tanggapan ni Mayor Dy upang tanggapin ang naturang sasakyan.

Facebook Comments