Barangay Tanod, Arestado dahil sa kasong Homicide!

Aurora, Isabela – Nahuli pasado ala una ng tanghali ang isang Barangay Tanod matapos isilbi ng mga otoridad ang Warrant of Arrest nito sa Brgy. Divisoria, Aurora, Isabela.

Kinilala ang akusado na si Estanislao Domingo Duque, 40 anyos, brgy. Tanod at residente ng nasabing barangay.

Inaresto ng mga kasapi ng PNP Roxas si Duque matapos magpalabas ng Warrant of Arrest si Hukom Bernabe Mendoza ng RTC Branch 23 dahil sa kasong Homicide.


Nasa himpilan na ng pulis ang akusado para sa kaukulang dokumentasyon bago dalhin sa court of origin nito.

Samantala, makakalaya lamang si Duque kung makakapaglagak ng inirekomendang piyansang isang daang libong piso.

Facebook Comments